Nanood ako ng The Hunger Games: Catching Fire at The Hobbit: Desolation of Smaug kanina.
May pagkabias ang aking mga sasabihin dahil gusto ko ang mga pelikulang may sequel.
Parehong maganda ang pagkakagawa ng dalawang pelikula. Maaksyon at kapanapanabik ang mga eksena. Typikal pero mahusay ang storyline. Masarap pakinggan ang lapat ng musika habang may aksyon, drama o komedyang nagaganap. Maganda sa paningin ang kagandahan ni Jennifer Lawrence at kabaliktaran ang nakakatakot na istura ng mga Orcs. Mabisa ang pagdeliver ng mga nagsipagganap. Nakakamangha din ang mga special effects- kahit alam mong computerized eh parang tunay talaga. Maganda and setting, sa kagubatan (Hunger Games) at sa kabundukan/gubatan ng New Zealand (Hobbit). Hindi man 3D ang aking pinasukan ngunit parang nandoon na rin.
Hindi nagtagal, tapos na pala. Akala ko may next scene pa, yun pala credits na. Hindi nasayang ang bayad dahil obyus na ako ay bitin sa kwento. Masarap isipin na may aabangan uli ako. Hindi man kasing dalas ang panonood ko ngayon ng mga pelikula dahil may torrent na, iba parin kapag nasa loob ka ng cinema. Nakakatanggal pagod, nakakatanggal ng problema sa ilang oras na pelikula.
Hanggang sa susunod na taon muli JLaw at ang Hobbit...
No comments:
Post a Comment